Monday, July 30, 2007

Tuloy

(started 07.15.06)

Di tumitigil ang mundo.
Kakainis! Maiiwanan pa ata ako!
Hindi ko kasi alam kung paano pa mabuhay
ng wala ka dito sa aking buhay.
Di ko alam ang gagawin.

Pero di tumitigil sa pag-ikot ang mundo.
Sandali, hintayin nyo ko!
Eto, lalakad na ulit ako. Medyo nadapa
pero kaunting pagpag lang yan.

Pwede na siguro akong magmahal muli -
oo nga, may nakita pa naman ako
noong isang araw, siguro ngayon pwede
na akong lumigaya.

Tumakbo ako
sa pagaakalang matatakasan
kita, matatakasan ang mga sugat sa
tuhod at braso, pero,
sa aking paglisan, dala ko pa rin
ang peklat ng aking pagsinta.

Di bale,
me plaster naman.

James Miraflor

0 comments: