Monday, August 6, 2007

Hindi na muna

ni James Miraflor

Hindi na muna siguro
ako iibig.

Kasi,
sa tuwing iibig ako,
nalalanta ang mga orchids sa hardin,
umiitim ang bughawing langit ng tanghali,
at napupunit ang mga pahina ng paborito
kong libro.

Darating na lang siguro,
ang bagyo na magpapalaya sa akin
sa rehas ng pagiisa.

Siguro mayroong bukas, na tutunog
muli ang pakakak ng pag-ibig, at
sasalubungin ko ang agos ng liwanag
ng pagpapatawad.

Pero sa ngayon, di na muna
ako iibig.

1 comments:

rudie said...

brother,

i've just tagged you. :) see http://rossanova.wordpress.com

:P