Sunday, September 7, 2008

Unfinished Poems

by James Miraflor

I



My unfinished poems lie together
with the clutter of my finished poems, 
like old friends waiting from afar.

They do not demand to be finished; 
they are only to watch in awe, 
in puzzlement, or in disgust,
the work that I did with my 
finished poems.

But they, 
who had been witness to the pains 
the amoral world wrought me, 
had been more loyal to me 
than dogs can ever be to 
their masters.

Had they been alive, 
they would have loved me.
Had they been dead, 
I would have seen my name printed 
in their carcasses waiting
to be read.

But they will not leave me, 
as human friends do of their 
human friends, 
or human lovers do of their 
human lovers.

My friends,
they will not leave me.

II



Sometimes, when I'm alone, 
I browse through them, 
only to remember how 
the savagery of my frailty 
commanded them, in the 
shrillest of voices,
to assert the last of
my humanity.

And the humanity I lacked,
they spoke of, in the most
human a way their aborted
existence could manage.

So much so, 
that I imagine them
capable of love. 

So much so,
that I could feel the last
of their life in the beat of
my heart.


Beaming Sunlight - Full Metal Alchemist

Thursday, September 4, 2008

Superband

ni James Miraflor




Sayang.
Hindi ko napanood ang
huli nilang tugtugan.

Kasi naman.

Ang kanta ng masa,
hindi para sa masa.

Ang 800 na ipambibili mo
ng tiket, pwede mo ng
pamasahe sa isang buwan.

Pero gusto ko pa ring manood.
Gusto kong manood.

Gusto kong manood. Gusto kong manood. Gusto
kong manood. Gusto kong manood.
Gusto kong manood. Gusto kong
manood. Gusto kong manood.

Bakit? Bakit ko gustong manood? Para
makalimutan ko mga problema ko. Para
makalimutan ko na bukas kailangan
ko ulit kailangan ko ulit
ng pamasahe. Para makalimot.
Para masaya ang buhay. Para
may Kape. Glue. Rosaryo.
Tabo. Baril. Dugo. Para darating
ang panahon wala ng nagugutom.
Para sa masa. Para sa masang nagugutom.
Nagugutom. Nagugutom na ko.
Gutom na gutom na ko.
Pengeng kanin. Pengeng tubig.
Pengeng candy. Pengeng laway.
Laway. Ngipin. Dugo.
Tuyo na, tuyo na.

Tuyo na.

Tuyo na!

%&*@#%@$#&@^*@**@!

San ako kukuha ng pamasahe?
San ako kukuha ng pagkain?
Di nyo ba alam na gusto kong manood?

Hihinto na sa pagaaral
ang kapatid ko pero gusto ko pa ring manood.
Di ko mapagamot ang tatay ko pero gusto
ko pa ring manood. Di ko matapos ang thesis
ko pero gustong gusto ko pa ring manood.
Bukas, may bago na namang problema sa
lipunan at ekonomiya na kakain ng oras ko
pero gusto ko pa ring manood.

Gusto ko manood ng:

"May isang umaga, na tayo'y magsasama
Haya at halina sa alapaap
O, anong sarap, haa..."

at:

"There's a place in the world where the sun don't shine!
I've been wanting to take you there!
There's a hole in your head and you feel just fine!
There's only so much that you can bear!"

Waah!

Teka, may naririnig ko. Bumubulong:

"No fruitcake for everyone,
for I was born upside down.
Shirley is here. And so is Julie.
But you are lightyears away,
which makes me tearjerky."

Ang sarap magsayaw ng El Bimbo.
"Magkahawak ang ating kamay..."
Kunwari, yakap yakap kita ngayon.
"at walang kamalay-malay"
Ba't mo ko iniwan? Mahal na mahal kita...
"na tinuruan mo, ang puso ko"
Hayup ka talaga, mamatay ka na!!!
"na umibig ng tunay".

Ang sarap sa alapaap.
Ang sarap sarap sa alapaap.
Ang sarap.

Sa wakas. Sa
wakas.

Wednesday, September 3, 2008

Kwatro

ang plaka ng kotse ko sa
loob ng labindalawang
mahahabang taon.

Ako ang nag-assemble
ng tsikot na ito.
Gamit-gamit ang tira-tira
ng mga naunang bobong driver,
gumawa ako ng
nakabibilib na magarang
limousine.



Matagal na sakin
ang aking kotse.
Hindi ko na mabilang kung
ilang tao na ang dinala ng
sasakyang ito sa mga kwarto ng
kapangyariha't karangyaan.

Ang hirap na ring bilangin kung
ilan na ang sinagasaan
ng aking kotse, liban na
lamang kung iisa-isahin
ang mga gasgas at mantsa
sa maputi nitong
katawan.

Matagal na sa akin ang
kotseng ito. Sabi nila, isoli ko
na raw.

Ang aking kotse.
Kakarnehin at lalansagin.
Lalansagin ng mga buwitre ng Hades,
mga buwitreng walang utang na loob,
mga buwitreng di naiintindihan
ang tunay na ibig sabihin ng
kapangyarihan.

Hindi, akin ang
kotseng ito. Akin
ang kotseng
ito.


ni James Miraflor, para kay Ex-Speaker JDV
Pebrero 7, 2008. Inayos noong Setyembre 5, 2008.