ni James Miraflor

At umulan ng umulan
ng umulan, bawat butil ay
ulan, bawat patak ay
ulan, walang hindi
ulan.
Ulan. Ulan. Ulan.
Ulan ang dibuho ng dugong
iginuhit ng ulan sa pulso.
Ulan ang tiklada ng daliri
sa makinilyang nakakalso.
Ulan din ang tumutunaw sa
inulang puso ko.
Ulan. Ulan. Ulan.
Bawat butil ay ulan.
Bawat patak ay ulan.
